Friday, August 21, 2026

TAMANG TIMBANGAN SA PAMILIHAN, TINIYAK SA SAN QUINTIN

‎‎Pinaigting ng Pamahalaang Bayan ng San Quintin ang pagbabantay sa patas na kalakalan matapos isailalim sa inspeksyon ang mga timbangan na ginagamit ng mga nagtitinda sa Pamilihang Bayan.

‎Layunin ng inspeksyon na matiyak na tama at wasto ang ginagamit na panukat sa pagtitinda ng mga produkto, para maprotektahan ang karapatan ng parehong mamimili at mga nagtitinda.

Matiwasay naman ang naging kooperasyon ng mga manlalako sa pamilihan at isa-isa ang mga itong binisita at sinuri ang mga timbangan na gamit sa kanilang pagtitinda.

Isa rin ito sa patuloy na kampanya ng Department of Trade Industry o DTI kung saan pinalalakas ang patas na karapatan ng mga negosyante at mamimili na siyang protektado ng batas.

‎Sinabi ng lokal na pamahalaan na bahagi ito ng patuloy na hakbang upang maiwasan ang pandaraya at iba pang uri ng hindi patas na transaksyon sa pamilihan.

‎Hinikayat naman ang mga mamimili at negosyante na makiisa sa pagpapanatili ng tapat, maayos at responsableng kalakalan para sa kapakanan ng mga residente sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments