127, patay sa stampede sa isang football game sa Jakarta, Indonesia

147

Patay ang 127 indibidwal kabilang ang dalawang pulis sa nangyaring stampede sa isang football game sa East Java Province sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay matapos na mag-riot sa gitna ng football stadium ang mga taga-suporta ng natalong koponan ng Arema FC, laban sa Persebaya Surabaya.

Hindi naman bababa sa 180 katao ang nasugatan sa insidente.


Sinubukang awatin ng mga pulis ang mga nagkakagulong tagasuporta sa pamamagitan ng tear gas pero nagresulta ito ng stampede at marami ang nahirapang huminga.

Dahil dito, sinuspinde ng Football Association of Indonesia nang isang linggo ang lahat ng football match at pinagbawalang maging host ang Arema FC sa buong season.

Humingi naman ng paumanhin ang nasabing asosasyon at sinigurong iimbestigahan ang nangyaring insidente.



Facebook Comments