Thursday, August 20, 2026

Posibleng pagpapaliban sa BSKE, desisyon ng Kongreso at Ehekutibo —Comelec

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na wala sa kanila ang pasya kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Nobyembre.

Ito ay matapos ihain sa Kamara ang panukalang layong iurong ang BSKE sa November 2028 sa halip na ngayong taon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, wala sa kanila ang desisyon kundi sa Kongreso at Ehekutibo.

Sa kabila nito, tuloy-tuloy naman ang paghahanda ng poll body sa halalan kung saan una nang sinabi ni Garcia na hihilingin nila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ideklarang holiday ang November 2 para marami ang makauwi at makaboto.

Huling idinaos ang BSKE noon pang October 2023.

Facebook Comments