
Pinangunahan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Manila City Mayor Isko Moreno ang inspeksyon sa ginagawang drainage crossing project sa España Boulevard, Manila.
Bahagi ito ng Oplan Kontra Baha ng pamahalaan upang masiguro ang mabilis at maayos na pagsasagawa ng naturang proyekto.
Ayon kay Dizon, magsasagawa ang ahensya ng 24/7 construction operations para matapos agad ito upang hindi na maabala ang publiko at motorista tuwing umuulan sa naturang kalsada.
Layon rin ng hakbang na masolusyunan at maiwasan ang pagbaha na nararanasan sa bahagi ng España Blvd.
Nabatid na sa pamamagitan ng drainage crossing project ang tubig baha ay maaari ng dumaloy sa Estero de Quiapo, Aviles Pumping Station, Earnshaw Drainage Pumpong Station at Estero de San Miguel.










