Monday, August 3, 2026

Suporta ng gobyerno sa mental health ng mga estudyante, hindi umano sapat ayon sa ilang nga magulang

Ilang mga hakbang ang ipinatupad ng Department of Education (DepEd) kaugnay ng sunod-sunod na karahasan sa loob ng mga paaralan sa bansa.

Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagha-hire ng 10,000 School Counselor Associate 1, maging ang paglulunsad ng Learners Telesafe Contact Center Helpline #33733 na konektado na rin sa National Center for Mental Health (NCMH) crisis hotline.

Ayon sa DepEd, ito ay para sa agarang pagbibigay ng professional intervention sa mga tatawag na estudyanteng may pinagdadaanan kaugnay ng kanilang mental health.

Sa kabila nito, hindi naman kumbinsido ang ilang mga magulang na sapat ang mga ito para suportahan ang mental health ng mga estudante, gaya na lang ni Mary Joy Ramos at Angelina Gao.

Facebook Comments