Sunday, July 12, 2026

150 responders, idineploy ng PCG sa General Santos City

Idineploy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 150 responders at dalawang dagdag na search and rescue dog upang tumulong sa search and rescue operations sa General Santos City ngayong Martes, June 9.

Kasunod ito ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao nitong Lunes, June 8.

Layon nito na mapadali at madagdagan ang manpower sa search and rescue operation sa gumuhong commercial building sa Barangay Calumpang, habang ang iba naman ay idineploy para hanapin ang dalawang nawawalang indibidwal sa Barangay Bawing.

Facebook Comments