Wednesday, July 22, 2026

Panibagong insidente ng karahasan ng China, patunay na dapat maisama sa leksyon sa mga paaralan ang mga impormasyon ukol sa WPS

Mariing kinondena ng West Philippine Sea (WPS) Bloc sa Kamara ang hindi katanggap-tanggap na pananakit ng China Coast Guard sa isang miyembro ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na bahagi ng WPS Bloc sa Kamara, ang panibagong marahas na insidente ay patunay na dapat maipasa sa lalong madaling panahon ang House Bill No. 1625, o panukalang West Philippine Sea Mandatory Education Act.

Sa ilalim ng panukala ay isasama sa leksyon ng mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa ang kasaysayan ng West Philippine Sea.

Diin ni Diokno, daan ito para malaman at maunawaan ng bawat Pilipino ang ating karapatan, kasaysayan at katotohanan hinggil sa WPS na bahagi ng ating teritoryo.

Facebook Comments