Wednesday, April 29, 2026

PBBM, may pulong ngayong hapon sa French envoy at Czech diplomat kaugnay sa pagpapa-uwi kay Zaldy Co

Nakatakdang makipagpulong ngayong hapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa French Ambassador to the Philippines at sa Charge d’Affaires ng Czech Republic sa Malacañang.

Tatalakayin sa pulong ang patuloy na hakbang ng pamahalaan para mapauwi sa Pilipinas si dating Congressman Zaldy Co, na may pending asylum application sa France.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, aalamin din sa meeting kung saan nagkaroon ng pagkukulang sa proseso ng pagpapa-uwi kay Co.

Pag-uusapan din kung anu-ano pang hakbang ang maaaring gawin upang maibalik siya sa bansa at harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Facebook Comments