Thursday, April 30, 2026

House Committee on Justice, mariing itinanggi na may nag-pressure para ideklarang may probable cause ang impeachment complaints laban kay VP Duterte

Mariing itinanggi ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na may nag-pressure sa kanila para ideklara na may probable cause ang ikatlo at ika-apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Reaksyon ito ni Luistro sa alegasyon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na mayroon umanong tumatawag sa mga chief of staff ng mga kongresista at nagbabanta na aalisan sila ng pondo kung hindi papabor sa impeachment laban kay VP Duterte.

Ayon kay Luistro, walang tumatawag sa kanya at sa kanyang chief of staff para igiit na suportahan niya ang pag-impeach kay VP Sara.

Diin ni Luistro, ang komite at ang mga miyembro nito ay walang pinapanigan at ginagampanan lang nila ang mandatong ini-atas ng Konstitusyon.

Sabi ni Luistro, ang kanilang pagpapasya ay nakabatay sa mga ebidensyang lumitaw sa impeachment proceedings at hindi sa impluwensya ng sinuman.

Facebook Comments