
Dumating na rin sa bansa ang 18 pang Filipino seafarers na kabilang sa gumamit ng kanilang “right to refuse sailing” sa Strait of Hormuz.
Sila ay dumating sa bansa sakay ng magkahiwalay na flights matapos na ayusin ng kanilang agency ang kanilang repatriation.
Patungo sana ng India via Strait of Hormuz ang Liberian-flagged ship M/V MSC Ishyka nang tumangging sumama sa paglalayag ang Pinoy seafarers.
Una rito, makailang beses na pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Filipino seafarers na may karapatan silang tumanggi na maglayag sa mga delikadong lugar.
Tumanggap naman ng financial assistance mula sakay DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga umuwing Pinoy crew members.
Facebook Comments










