Thursday, July 2, 2026

Sen. Rodante Marcoleta, nanindigang hindi plunder o pandarambong ang pagtanggap ng campaign donations

Iginiit ni Senator Rodante Marcoleta na hindi plunder o pandarambong ang pagtanggap niya ng campaign donations.

Giit ni Marcoleta, sa naging panayam sa Russia Today na ibinahagi ng kanyang opisina, sinabi ng senador na fabricated at tiyak na mababasura lang ng korte ang kasong plunder na balak isampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Katwiran ng senador, hindi papasok sa kasong plunder ang pagtanggap nya ng campaign donation dahil financial support iyon mula sa mga kaibigan, samantalang ang plunder ay pagkamal ng nakaw na yaman.

Punto pa ni Marcoleta, hindi iligal ang pagtanggap niya ng campaign donations dahil pinapayagan ito ng Commission on Elections (COMELEC) o ng ating election laws.

Dagdag pa ni Marcoleta, natanggap niya ang campaign donation bago ang kampanya at election period kaya itinuring niya itong donasyon, na ipinagbayad pa nga raw ng donors tax ng mga nagbigay.

Naniniwala si Marcoleta na pinagiinitan siya dahil sa pagnanais na matukoy ang mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects at timing pa ang pagsasampa ng kaso sa kanya para maipakulong siya at hindi makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments