
Nirerespeto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng bawat mamamayan sa freedom of expression at freedom of assembly.
Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng isinigawang suprised rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA White Plains.
Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi kinukunsinti ng pangulo ang anumang pang-aabuso sa mga kilos-protesta, lalo na kung naaapektuhan na ang karapatan ng ibang tao.
Maituturing aniya na pang-aabuso ang isang protesta kung nagdudulot na ito ng matinding abala sa mga motorista at commuter.
Samantala, kinontra naman ng Palasyo ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na ginagamit umano ng administrasyong Marcos ang justice system sa paghahain ng kaso laban sa mga indibidwal na nagsasalita laban sa korapsyon.
Ipinaalala ni Castro na 2018 pa kinukwestyon at binabatikos maging ni noo’y Cong. Rodante Marcoleta ang ghost flood control projects pero hindi naimbestigahan.










