Nagtapos nang mapayapa ang isinagawang rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa kahabaan ng White Plains Avenue corner EDSA, Quezon City, alas-8:00 ng gabi, kagabi.

Kung saan ayon sa pulisya, umalis ang mga kalahok ng nasabing kilos-protesta nang maayos.

Sa buong aktibidad naman ay tiniyak ng PNP na ang mga tauhan nito ay nagpakita ng maximum tolerance habang sinisiguro ang seguridad ng publiko, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagtitiyak ng maayos na daloy ng trapiko.

Nagpasalamat rin ang PNP sa publiko, mga katuwang nitong ahensiya at lahat ng mga lumahok na naki-cooperate.

Mananatili naman ang mga hakbang panseguridad ng PNP para sa panibagong rally na isasagawa ng INC sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ngayong araw.

Facebook Comments