Tuesday, June 30, 2026

Sen. Risa Hontiveros, itinanggi na ipinapa-ban niya ang GoreBox at iba pang video games

Mariing itinanggi ni Senator Risa Hontiveros na inirekomenda niyang ipa-ban ang video game na GoreBox.

Ang GoreBox ay iniuugnay sa nangyaring insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City dahil kinahuhumalingan ito ng isa sa mga suspek sa krimen.

Puna ni Hontiveros, dinagsa siya ng mga fake news na isinusulong umano niya na ipagbawal na ang GoreBox sa bansa.

Giit ni Hontiveros, hindi niya kailanman inirekomenda o kahit naisip man lang na i-ban ang mga video games tulad ng GoreBox at maski aniya ang Senate Committee on Women na mag-iimbestiga bukas ng insidenteng nangyari sa Tacloban City ay wala ring rekomendasyon o findings tungkol dito.

Paglilinaw ng senadora, ang pansamantalang nag-ban ng GoreBox sa Pilipinas ay ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center bunsod na rin ng mga karahasang kaakibat ng video game na ito sa mga kabataan.

Bukas ay iimbestigahan ng komite ni Hontiveros ang pamamaril sa Tacloban City subalit naunang nagpahayag ang GoreBox game developer na hindi siyia dadalo sa pagdinig na siya namang ikinadismaya ng senadora.

Facebook Comments