Saturday, June 27, 2026

Pre-trial order ng impeachment trial ni VP Sara Duterte, ilalabas sa Lunes

Sinisimulan na ng Clerk of Court ang pagbuo ng pre-trial order matapos ang pre-trial conference para sa paglilitis ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., sinimulan na nila ang pagbuo ng pre-trial order at katunayan ay naglabas na ng utos si Senate President Win Gatchalian na dapat sa Lunes ng susunod na linggo ay makapaglabas na ng pre-trial order.

Puspusan aniyang magtatrabaho ang mga tauhan ng impeachment court para sa Lunes ay mai-release na nila ang pre-trial order na maglalaman ng mga documentary at testimonial evidences, listahan ng mga testigo, namarkahang mga exhibits, stipulation of facts, trial dates at manifestation orders.

Bibigyan naman ang house prosecution team at defense team na magkomento sa pre-trial order sa loob ng tatlong araw.

Ang deadline para sa pagsusumite ng komento ng dalawang panig ay sa Huwebes ng susunod na linggo.

Sa pre-trial days, humihiling ang house prosecution team ng 62 trial days para sa presentasyon ng kanilang mga ebidensya sa impeachment trial habang 30 trial days naman sa defense team ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments