
Sinuspinde ng 30-days ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang operasyon ng 18 unit ng pampasaherong bus na pagmamay-ari ng Baclaran Metrolink.
Kasunod ito ng insidenteng nangyari sa southbound lane ng Kamuning Bus Station sa Quezon City na dahil umano sa miscalculation o hindi tamang pagtatantya ng driver na nakasira sa 12 concrete at plastic barriers ng MMDA.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II, binigyan na nila ng notice at pagkakataong magpaliwanag ang nasabing kumpanya kung kaya’t umaasa silang agad-agad itong magco-comply sa proseso.
Pinasasama rin ng ahensya ang paliwanag ng driver ng bus para maiwasan ang pagmumulta; habang isinasailalim ito sa drug testing at road safety seminars.
Aalamin din umano ng ahensya ang estado ng mentak at physical fitness ng driver at ang road worthiness ng nasabing bus.










