
Hinimok ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko na maging mapagbantay sa gitna ng kaguluhan sa Senado.
Paalala ng CICC, maging mapanuri at mag-ingat sa mga ibinabahagi at nakikitang impormasyon online.
Ayon sa CICC, mino-monitor nila ang ilang diskusyon at aktibidad sa digital platforms na nag-uudyok ng pagsasagawa ng kilos-protesta sa gitna ng Senate power struggle.
Payo ng CICC sa publiko, iberipika muna ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kredible at opisyal na sources bago makibahagi sa anumang aktibidad.
Facebook Comments










