Wednesday, October 7, 2026

PBBM, iniutos ang malawakang information drive kontra El Niño

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga ahensiya ng gobyerno na palakasin ang pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon habang naghahanda ang bansa sa posibleng mas matinding epekto ng El Niño.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais ng pangulo na maging handa ang publiko at maiwasan ang pagkalat ng mga impormasyong walang sapat na batayan na maaaring magdulot ng panic.

Kasabay nito, pinabibilis ni Marcos ang paghahanda ng mga ahensiya para mapagaan ang epekto ng El Niño sa pagkain, tubig, kalusugan at iba pang pangunahing pangangailangan.

Nilinaw naman ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum na hindi ibig sabihin ng El Niño ay agad na makararanas ng tagtuyot ang buong bansa.

Nakadepende aniya ang tindi ng epekto sa dami ng ulan sa bawat lugar sa mga susunod na buwan.

Ayon sa PAGASA, tapos na ang panahon ng Habagat kaya dapat nang paghandaan ang posibleng pagbabago ng pattern ng pag-ulan.

Facebook Comments