Tuesday, October 6, 2026

PBBM, iniutos ang paghahanda sa worst-case scenario ng El Niño

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paghahanda sa worst-case scenario ng El Niño na inaasahang mararanasan mula Oktubre hanggang Marso.

Sa pulong sa Malacañang, naglatag ng kanilang mga hakbang ang Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa tinututukan ng gobyerno ang suplay ng tubig at pagkain, agrikultura, enerhiya at kalusugan.

Sinabi ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna na posibleng magpatupad ng water conservation measures sa mga tanggapan ng gobyerno.

Samantala, ipinag-utos ni PBBM ang regular na pagpupulong ng mga ahensiya para mabilis na maipatupad ang mga intervention, kabilang ang pagpapabilis ng water projects.

Pinag-iibayo rin ang information campaign para maging handa ang publiko at maiwasan ang panic.

Facebook Comments