
Naghain sina Senator-Judge Robin Padilla, Senator-Judge Bong Go, PDP-Laban at ilang abogado ng petisyon sa Supreme Court para ipawalang-bisa ang ruling ng Senate Impeachment Court na nagpababa sa kailangan na boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte mula 16 tungo sa 14 na boto
Sa bagong ruling, 20 senador ang ginawang basehan sa pagkuwenta ng two-thirds vote dahil hindi isinama sa bilang ang mga senador na hindi maaaring lumahok sa botohan.
Dahil dito, 14 na boto na lamang ang kailangan para sa conviction sa ilalim ng kasalukuyang formula.
Pero iginiit ng mga petitioner na dapat 16 na boto pa rin, dahil 24 ang kabuuang miyembro ng Senado at ito ang sinasabi nilang malinaw na basehan ng Konstitusyon para sa 2/3 requirement.
Binigyang-diin ng mga petitioner na hindi nila hinihiling sa Supreme Court na magpasya kung dapat ma-convict o ma-acquit si VP Sara.
Ang kinukuwestiyon lamang nila ay ang bilang ng boto na kinakailangan bago legal na mahatulan ng conviction ang bise presidente.
Hiniling nila sa Supreme Court na ipawalang-bisa ang ruling ng Senate Impeachment Court at maglabas ng Status Quo Ante Order o Temporary Restraining Order










