
Labis na nakakabahala para kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V ang nabunyag sa impeachment trial na pagpapadala ng pera ng mga kompanyang pag-aari ng China sa Cale88 Foods Corp. na konektado sa mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.
Pahayag ito ni Ortega makaraang isiwalat ni Senator-Judge Risa Hontiveros sa paglilitis ang natanggap nyang impormasyon na umaabot sa P319.33 million ang nai-remit sa Cale88 mula sa mainland China at Hong Kong.
Ang nabanggit na impormasyon ni Hontiveros ay tumugma din sa records ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Diin ni Ortega, sadyang nakakapagtaka at nakakabahala na may pagbuhos ng pera galing sa iba’t ibang kumpanya at korporasyon ng China.
Facebook Comments










