Wednesday, October 7, 2026

Palasyo, hinimok si Rep. Leandro Leviste na umuwi sa bansa at humarap sa korte

Hinimok ng Malacañang si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na umuwi ng Pilipinas at harapin ang warrant of arrest na inilabas laban sa kanya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung naniniwala si Leviste na wala siyang kasalanan, dapat siyang humarap sa korte at doon ipagtanggol ang sarili.

Naglabas ng warrant ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235 dahil sa umano’y paglabag ni Leviste sa Public Service Act.

May kaugnayan ito sa reklamo ng Department of Energy (DOE) laban kay Leviste at ilang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation dahil sa umano’y hindi pagtupad sa mga kondisyon ng kanilang franchise.

Nasa France ngayon si Leviste kasama ang kanyang ina na si Senator Loren Legarda, na umalis ng bansa noong Agosto 2 para sa pagpapagamot.

Facebook Comments