Wednesday, October 7, 2026

Vice Mayor Harold Respicio, negative sa qualitative urine drug test

Ito ang pahayag ni Reina Merceders Isabela Vice Mayor Harold Respicio kasunod ang paglabas na negative ang kaniyang qualitative urine drug test matapos na magpa-test ito ngayong araw sa isang pribadong ospital sa Quezon City.

Ginawa ito ni Respicio matapos na hamunin ni Department of the Interior and Local Goverment (DILG) Jonvic Remulla na magpa-drug test dahil sa naging asal nito sa kanilang regular session nitong Lunes, October 5.

Sa ngayon ay hinihantay na lamang ang isa pang resulta ng kaniyang quantitative drug test nito.

Ayon kay Respicio, kaya ito kumasa sa hamon ni Remulla dahil alam nito na hindi siya adik at wala itong tinatago.

Samantala, ibinahagi naman ni Respicio na nakapagpatawaran na sila ng mga opisyal na sangkot sa viral video.

Ibinalik naman ni Respicio ang hamon kay Remulla na tingnan ang asal ng ilang mga opisyal sa kanilang lugar, ginawang harassment ng mga pulis sa mga tobacco farmers at iba pa.

Facebook Comments