
Nakatanggap ng libreng serbisyong medikal, legal assistance at livelihood training ang nasa 1,800 persons deprived of liberty o PDL sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang outreach program at nagbigay rin ng libreng konsultasyon sa mga abogado at pagsasanay sa pagpipinta.
Mahigit 200 abogado ang nagboluntaryong magbigay ng libreng tulong-legal sa mga bilanggo, katuwang ang mga doktor, nars at volunteer artists.
Kasabay ng programa, 43 bilanggo ang nakalaya.
Nagbigay rin ng livelihood assistance ang mga katuwang ng programa, kabilang ang skills training mula sa TESDA at iba pang tulong para sa mga bilanggo.
Hinimok naman ng First Lady ang mga PDL na patuloy na matuto at huwag mawalan ng pag-asa habang naghahanda sa kanilang pagbabalik sa lipunan.










