
Iginagalang ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na huwag palayasin si Chinese Ambassador Jing Quan sa kabila ng pahayag nito na malinaw na isang pagbabanta.
Tiwala si Ridon na alam ni PBBM ang tamang hakbang kaugnay kay Ambassador Jing na nagsabing madali para sa China ang magwagi sakaling gumamit ito ng pwersa laban sa Pilipinas.
Gayunpaman, hinihikayat ni Ridon si President Marcos Jr. na palayasin sa bansa ang mga mababang ranggong Chinese Diplomats na siyang nasa likod ng mga social media account ng Chinese Embassy na patuloy na umaatake sa ating mga opisyal.
Tinuligsa ni Ridon na patuloy na tinitira ng social media accounts ng Chinese Embassy ang ating mga government officials kahit nagpulong na sina Chinese Ambassador Jing Quan at Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro nitong October 19.










