
Duda si Senator Imee Marcos na kaya pansamantalang itinigil muna ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay dahil sa 49th ASEAN Summit.
Hinihinala ni Sen. Marcos na maaaring konektado sa ASEAN Summit at sa inaasahang pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa ang pagmamadali sa paglilitis.
Ayon kay Sen. Imee, pakiramdam niya ay pagpapapogi lamang ito para maganda ang imahe ng bansa sa closing ceremony ng ASEAN.
Sa tingin ng mambabatas, maaaring ayaw ng administrasyon na may pinaguusapan na hindi maganda kaya biglang nahinto ang trial at makakapahinga sa paglilitis ng tatlong linggo.
Facebook Comments










