Friday, October 16, 2026

Pambu-bully ng mga content creators kay Joshua Aquino, pinapaimbestigahan sa National Council for Disability Affairs

Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang National Council on Disability Affairs (NCDA) na imbestigahan ang insidente ng pambubully ng isang podcast na “Machong Chismisan” laban kay Joshua Aquino.

Iginiit ni Gatchalian na mariin niyang tinutuligsa ang pangungutya sa isang taong may kapansanan.

Nanawagan ang Senate President sa NCDA na makipagugnayan sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno para imbestigahan ang naturang insidente.

Dapat na alamin kung may paglabag ba sa probisyon ng Magna Carta for Persons with Disability at isulong ang nararapat na aksyon para mapanagot ang mga responsable sa insidente.

Idiniin ng senador na hindi dapat palagpasin ang anumang uri ng pangungutya, pang-aapi at pangaabuso sa mga kababayan, may kapansanan man o wala.

Facebook Comments