Thursday, September 24, 2026

DTI, INILAPIT ANG SERBISYO SA MGA NAGNANAIS MAGNEGOSYO SA SAN CARLOS CITY

Inilapit ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan – Negosyo Center San Carlos City ang mga programa at serbisyo nito sa mga residente sa pamamagitan ng isang entrepreneurship activity sa Barangay Inerangan, San Carlos City, Pangasinan.

Isinagawa noong Setyembre 20, 2026 ang Business Entrepreneurship for Potential MSMEs, na naglalayong mabigyan ng gabay ang mga aspiring entrepreneurs at potential micro, small and medium enterprises o MSMEs sa pagsisimula ng negosyo.

Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pagsisimula ng negosyo, pag-access sa government assistance, at mga oportunidad para sa business development at paglago ng negosyo.

Sa pamamagitan ng programa, patuloy na inilalapit ng Negosyo Center San Carlos City ang mga serbisyo ng DTI sa komunidad upang matulungan ang mga nagnanais magnegosyo na maisakatuparan ang kanilang mga business ideas at maging makabuluhang oportunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments