
Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang seguridad at tiyakin ang sapat na masasakyan para sa dagsa ng mga biyahero ngayong Undas.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, pinakikilos ng Pangulo ang PNP para magdagdag ng mga pulis at K-9 units sa mga terminal, pantalan at paliparan.
Inatasan din ang DOTr na maghanda ng karagdagang bus at barko sakaling ma-stranded ang mga pasahero.
Samantala, maghahanda ang DSWD ng pagkain at tubig, habang magtatalaga ang DOH ng mga medical team para sa mga emergency.
Batay sa Philippine Coast Guard, tinatayang aabot sa 1.5 hanggang 2 milyong pasahero ang bibiyahe sa dagat ngayong Undas.
Layunin ng mga hakbang na matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng mga Pilipinong dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.










