Wednesday, October 21, 2026

Atong Ang, walang record na nakalabas na ng Pilipinas — DOJ

Wala pang nakikitang rekord ang Department of Justice (DOJ) na nakalabas na ng Pilipinas ang negosyanteng si Atong Ang.

Ayon kay DOJ Secretary Fredderick Vida, batay sa kanilang beripikasyon sa Bureau of Immigration (BI), walang naitalang pag-alis ng bansa si Ang.

Gayunman, nilinaw ni Vida na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na nakalabas ito sa pamamagitan ng backdoor o hindi opisyal na daanan palabas ng bansa.

Ito rin ang posibilidad na naunang binanggit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Binigyang-diin ng DOJ na hindi nila makukumpirmang nasa ibang bansa na si Ang hangga’t walang sapat na ebidensiyang magpapatunay rito.

Facebook Comments