Saturday, October 24, 2026

Kahandaan at inilaang pondo para sa Super El Niño, pinasisilip ng isang senador

Pinasisiyasat ni Senator Loren Legarda ang kahandaan ng gobyerno at paglalaan ng sapat na pondo para sa inaasahang epekto ng Super El Niño mula ngayong taon hanggang 2027.

Sa Senate Resolution 733 na inihain ni Legarda, nais niya na suriin ng kaukulang komite sa Senado kung sapat ang kasalukuyang mga plano, programa at pondo ng pamahalaan upang maibsan ang matinding epekto ng Very Strong El Niño.

Sa ilalim ng resolusyon ay nais ni Legarda na atasan ang Task Force El Niño at iba pang kaukulang ahensya na maglatag ng pinakahuling Strategic El Niño National Action Plan na nakabatay sa aktuwal na datos, malinaw na mga hakbang, at sapat na pondo.

Pinatutukoy din ng mambabatas kung aling mga programa sa 2027 national budget ang nangangailangan ng karagdagang pondo at pinatitiyak na ang pondong nakalaan naman para sa 2026 ay magagamit para sa agarang tulong sa mga lugar na nasa mataas na panganib partikular ang pagsasaka at produksyon ng pagkain.

Sa pamamagitan ng resolusyon, nais ni Legarda na atasan ang Task Force El Niño at iba pang kaukulang ahensya na magharap ng pinakahuling Strategic El Niño National Action Plan na nakabatay sa aktuwal na datos, may malinaw na mga hakbang, at may kaukulang pagtataya sa kinakailangang pondo.

Facebook Comments