190 tauhan ng MRT 3 at PNR, nagpositibo sa COVID-19 ayon sa DOTr

76

Inihayag ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na may 99 na tauhan ng Metro Rail Transit line-3 at 91 naman sa Philippine National Railways (PNR) ang nagpositibo sa COVID-19 .

Itoy matapos sumailalim sa antigen test ang 3,696 personnel ng MRT at 354 personnel ng PNR.

Ayon sa DOTr, inobliga ang mga personnel ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR na sumailalim sa antigen test upang matiyak na parehong protektado ang riding public at rail personnel laban sa Coronavirus.


Gayunman, sasailalim pa sa confirmatory RT-PCR test ang mga nagpositibo sa COVID-19 gayundin ang mga natukoy na direct contacts.

Tiniyak pa ng DOTr na magpapatuloy pa ang antigen testing at confirmatory RT-PCR testing hanggang lahat ng personnel ay ma-test.

Facebook Comments