Tuesday, September 1, 2026

QCPD personnel, inikot ang mga establisyimento sa QC para sa mas pinaigting na kampanya kontra krimen

Binisita ng mga tauhan ng Quezon Coty Police District o QCPD ang humigit-kumulang 10-K establisyimento sa lungsod, gaya ng paaralan, simbahan, at mga negosyo, mula August 22 hanggang August 28 para sa pagkakasa ng security and crime-prevention efforts.

Layon nito na magkaroon ng police visibility sa lungsod, agad na matukoy ang potential security concerns, agad na makaresponde sa mga emergency, at mapanatili ang kaayusan sa lungsod.

Kasabay nito, nakipag-ugnayan din ang QCPD personnel sa mga business owners, managers, empleyado, at security personnel, para ipaalala na panatilihing mapagmatyag at agad na i-reprlt sa pinakamalapit na himpilan o itawag sa National Emergency Hotline 911 i QC Helpline 122 ang anumang uri ng kahina-hinalang aktibidad sa lugar.

Facebook Comments