Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang menor-de-edad na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo.

Ito ang kinumpirma ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato kung saan 4 counts ng frustrated murder at anim na bilang ng attempted murder ang ihahain laban sa 15 anyos na Child in Conflict with the Law o CICL.

Ayon kay Dato, nakita ng prosekusyon na alam ng estudyante ang kaniyang ginawa nang mamaril ito sa San Jose National High School at kasabwat ang kapwa menor-de-edad.

Dahil dito, ihahain na ang mga kaso laban sa 15 anyos na estudyante sa Tacloban City Regional Trial Court (RTC).

₱72,000 naman ang inirekomendang piyansa sa bawat bilang ng frustrated murder habang ₱36,000 naman sa bawat bilang ng attempted murder na kinakaharap nito.

Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye ang Justice Department kaugnay sa naturang CICL.

Dalawang mag-aaral ang nasawi habang mahigit 20 ang napaulat na sugatan sa school shooting noong June 22.

Facebook Comments