Friday, September 4, 2026

Hiling ni VP Sara na bawiin ang arrest warrant laban sa kaniya, ibinasura ng korte —DOJ

Nakitaan ng korte ng sapat na batayan para litisin si Vice President Sara Duterte sa tatlong counts ng grave threats.

Ito ang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) matapos maglabas ng warrant of arrest ngayong araw ang Quezon City Regional Trial Court Branch 98 laban sa pangalawang pangulo.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ibinasura ng naturang korte ang naunang mosyon ni Duterte para hindi ipatupad o bawiin ang arrest warrant sa kaniya.

Sinabi pa ni Polo na nasa ₱120,000 ang piyansa para sa bawat bilang ng grave threats na kinakaharap nito.

Inirerespeto naman ng Justice Department ang ruling ng Korte kasabay ng pagtiyak sa pagsunod sa rule of law.

Facebook Comments