
Iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang pagpapatupad ng otomatiko at pansamantalang toll relief sa mga expressways kapag may baha, aksidente at iba pang mga aberya.
Ayon kay Ordanes, sa ilalim ng Presidential Decree 1112, ang TRB ay may kapangyarihan na magtakda ng toll rates at magpatupad ng mga kondisyon sa toll operations.
Diin ni Ordanes, dapat may nakalatag na emergency protocol kapag nagkakaproblema sa mga expressway at dapat kasama dito ang pagsuspende sa koleksyon ng toll fee gayundin ang pagbibigay ng tulong o anumang suporta sa mga apektadong motorista.
binanggit ni Ordanes na kung nakapagbayad na ang mga motorista bago lumala ang disruption, ay dapat mayroon ding mekanismo para otomatikong ma-credit o ma-refund ang toll.
Mungkahi ito ni Ordanes sa Toll Regulatory Board and tollway operators kasunod ng ilang araw na matinding pagbaha at ilang oras na pagka-ipik sa trapiko ng mga motorista sa North Luzon Expressway o NLEX.










