Saturday, September 5, 2026

Rule of law, dapat tiyaking iiral sa kaso ni VP Duterte

Pinapatiyak ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na iiral ang rule of law ng patas para sa lahat maging kay Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni Adiong makaraang maglabas ng warrant of Arrest laban kay VP Duterte ang Quezon City Regional Trial Court Branch 98 para sa kasong grave threats na isinampa ng National Bureau of Investigation.

ayon kay Adiong, ang pagpapa-aresto kay VP Sara ay bahagi ng due process at hindi nangangahulugan na ito ay guilty na sa kaso.

Gayunpaman, malinaw para kay Adiong na hindi naman mag-iisyu ang korte ng warrant ng walang sapat na batayan.

Nanawagan din si Adiong na anumang legal na hakbang ng gagawin ni VP Sara ay dapat idaan sa korte alinsunod sa itinatakda ng batas.

Facebook Comments