Wednesday, May 13, 2026

Police corporal na nambugbog umano sa kaniyang live-in partner, “Dismissal from Service” umano ang kahahantungan —Comm. Calinisan

Sinabi ni National Police Commission o NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan na walang aasahan si Police Corporal Almar Jerome Pingol dela Cruz mula kay Commissioner Calinisan dahil alam naman umano ng lahat na dismissal from service ang nararapat na parusa sa isang pulis na gumagawa ng mga bagay na hindi sumasalamin sa mandato ng kapulisan.

Depensa naman ng police officer sa insidente, nagsabay-sabay umano ang problema nila kaya nagsabay ang kanilang galit na nauwi sa nasabing insidente pero tumanggi na siyang idetalye pa ang nangyari bilang respeto umano sa kaniyang live-in partner at sinabing malalampasan din umano nila ito.

Tumanggi ring magsalita sa press briefing ang babaeng biktima pero sinabi ni Commissioner Calinisan na wala umanong planong patawarin at tanggapin ulit ng biktima ang police officer na nambugbog sa kaniya.

Nakasuhan na rin ng criminal case ng NAPOLCOM ang nasabing police officer at nagsampa na rin ng kasong administratibo ang biktima.

Dagdag pa rito, nanawagan din si Commissioner Calinisan sa umano’y iba pang biktima ng police officer na lumapit sa NAPOLCOM o sa Philippine National Police (PNP).

Samanta, kasalukuyan nang nasa restrictive costudy ng regional support unit sa San Fernando City ang police officer habang naglagay naman na umano ng 24/7 security noong Linggo, May 10 ang pulisya ng Bulacan sa bahay at pamilya ng biktima.

Facebook Comments