
Itinalaga ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez si Senior Undersecretary Emerald Ridao bilang officer-in-charge ng PCO.
Batay sa ibinabang Special Order ni Chavez, epektibo ang pagkakatalaga kay Ridao mula February 17 hanggang 21, 2025.
Siya ang pansamantalang mamamahala sa pang araw-araw na operasyon ng PCO, at kung kinakailangan ay kakatawan sa Acting Secretary.
Si Chavez ay pansamantalang naka-leave dahil sa pagbiyahe nito sa ibang bansa, alinsunod sa inaprubahang travel authority nito sa nasabing mga petsa.
Facebook Comments