Thursday, August 20, 2026

Malacañang, nababahala sa mga pekeng testigo sa flood control scam kasunod ng recantation ni Orly Guteza

Nagbabala ang Malacañang laban sa paggamit ng mga pekeng testigo at gawa-gawang salaysay sa imbestigasyon ng flood control scandal, kapalit ng pera.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro matapos bawiin ng dating security aide ni Zaldy Co na si Orly Guteza ang nauna nitong mga alegasyon laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Castro, hindi dapat gamitin ang mga testigo para manira o magpalakas ng isang kwento laban sa ibang tao.

Dapat umanong manaig ang totoong salaysay, ebidensya, batas at due process sa pagtukoy kung sino ang dapat managot sa flood control anomaly.

Wala namang naging reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-recant ni Guteza.

Nanawagan din ang Palasyo sa mga may totoong impormasyon na magsalita at makipagtulungan sa imbestigasyon, ngunit nagbabala laban sa mga gawa-gawang salaysay at ebidensya.

Naipasa na rin ng Senado sa Ombudsman ang mga dokumento at ebidensyang nakalap nito.

Facebook Comments