Friday, October 16, 2026

Tatlo sa apat na suspek na sangkot sa pagnanakaw ng mga kagamitan ng DPWH sa Diokno Boulevard Pumping Station sa Pasay, arestado na

Posibleng inside job ang dahilan ng pagnanakaw sa mga mga electrical equipment sa loob ng Department of Public Works and Highways Diokno Pumping Station sa Barangay 76, Pasay City.

Ayon sa Pasay police, kabilang kasi sa mganaaresto ang ang dalawang DPWH helper at isang parking boy.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilmar Andrada, Dream Boy Nieva at Marcelo Pabunan.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang isa pang suspek na si Panciano Baleña na nananatiling nakalalaya.

Base sa imbestigasyon, nadiskubre noong Oktubre 14 ang pagkawala ng molded case circuit breaker, mga kable, control wiring system at busbars na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P183,000.

Wala pang nababawi ang mga awtoridad sa mga nawawalang kagamitan.

Sinabi ng pulisya na natukoy ang mga suspek sa isinagawang follow-up investigation at positibong itinuro ng isang testigo bilang mga umano’y kumuha ng mga kagamitan nang walang pahintulot ng may-ari.

Dinala ang mga naarestong suspek sa ospital para sa medical examination bago isinailalim sa inquest proceedings, habang nagpapatuloy ang operasyon upang madakip ang natitirang suspek at mabawi ang mga nawawalang kagamitan.

Facebook Comments