
Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., na muling nag-extend ng kaniyang medical leave si Senator Loren Legarda ngayong linggo.
Ayon kay Bantug, para noong Lunes, October 12 at kahapon October 13 ang extended medical leave na inihain ng senadora.
Sinabi nito na para sa nalalabing araw ng Oktubre at sa Nobyembre ay wala pa namang ipinapaalam na panibagong leave ang tanggapan ni Legarda.
Matatandaang mula pa noong August 3 o mahigit dalawang buwan na ang nakalipas ay nagpaalam na si Legarda para sumailalim sa isang medical treatment sa France.
Itinanggi rin noon ng senadora na walang kinalaman ang kaniyang medical leave sa iniimbestigahang solar power projects ng Ombudsman kung saan nadadawit ang kaniyang anak na si Batangas Representative Leandro Leviste.










