Wednesday, October 14, 2026

Senado, sunod na magiging abala naman sa pagtalakay sa pambansang pondo

Pagkakaabalahan naman ng Senado ang 2027 national budget sa gitna ng pagtatapos ng Day 39 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, regular programming pa rin ang Senado kahit naka-session break dahil may budget pa silang kailangang atupagin at tapusin.

Hanggang Biyernes nga aniya ay may pasok dahil sa budget hearings.

Bukod dito ay kakaapruba lamang ng Kamara sa P7.2 trillion na 2027 national budget na itatransmit pa ngayong linggo sa Senado.

Samantala, posibleng wala ring maging bakasyon ang mga senador sa Disyembre dahil naurong ang petsa ng pagapruba ng pambansang budget bunsod ng mga adjustments sa presentasyon ng depensa sa impeachment trial at ang 49th ASEAN Summit sa darating na Nobyembre.

Ganito rin aniya ang nangyari noong nakaraang taon sa Senado kung saan walang Christmas break o bakasyon na nangyari dahil kailangan nilang magconvene at ratipikahan ang budget para umabot ito sa paglagda ng Pangulo bago matapos ang taon.

Facebook Comments