
Nagsagawa ng inspeksyon ngayong araw si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa nagpapatuloy na pagpapaganda ng sidewalk sa kahabaan ng EDSA sa Pasay City.
Tututukan ng kalihim ang progreso ng proyekto upang matiyak na maayos at naaayon sa itinakdang pamantayan ang isinasagawang rehabilitasyon ng bangketa.
Partikular na ininspeksiyon ni Dizon ang bahagi ng EDSA malapit sa Heritage Hotel sa Pasay City.
Sa pagtatanong natin kay Sec. Dizon, halos nakalahati na ang ginagawa nilang sidewalk sa kahabaan ng EDSA para sa accessibility at kaginhawaan ng mga pedestrian na dumaraan sa isa sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Facebook Comments










