Saturday, October 10, 2026

PBBM, ipinapaayos ang mga isyu sa NCAP para hindi maabala ang publiko

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maiwasang maabala ang mga motorista sa pagpapatupad ng pinalawak na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikipag-ugnayan na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Don Artes sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng patakaran sa EDSA, Roxas Boulevard, Commonwealth Avenue at Ortigas Avenue.

Sinabi ni Castro na dapat agad maresolba ang mga teknikal na problema upang hindi maapektuhan ang mga motorista.

Inaayos na rin ang paglalagay ng mga traffic camera upang maiwasan ang pagsasapawan ng mga kagamitan.

Nagsimula ang pagpapatupad ng NCAP sa mga piling lungsod sa Metro Manila noong Oktubre 5, matapos alisin ng Korte Suprema ang temporary restraining order laban dito.

Facebook Comments