Saturday, October 10, 2026

VP Sara, hindi dapat magkunwaring walang alam sa mahigit P70-M confidential funds —Palasyo

Hinamon ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag kung saan napunta ang mahigit P70 milyong confidential funds na ipinababalik ng Commission on Audit (COA) matapos pagtibayin ang desisyon nito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat sagutin ng Bise Presidente ang mga tanong tungkol sa paggamit ng pondo sa halip na magkunwaring walang alam sa isyu.

Ipinaliwanag ni Castro na kailangang linawin ni Duterte ang naging liquidation ng pondo dahil iniutos ng COA na isauli ang halaga.

Kinilala naman ng opisyal ang karapatan ng Bise Presidente na kuwestiyunin sa Supreme Court ang desisyon sa pamamagitan ng petition for certiorari.

Gayunman, iginiit ni Castro na hindi pa rin naipapaliwanag ni Duterte sa publiko kung saan talaga napunta ang naturang confidential funds.

Facebook Comments