
Iginiit ni Private prosecutor Atty. Lorna Kapunan sa defense team na tigilan na ang pilit pagpapalutang na si Vice President Sara Duterte ay biktima.
Ayon kay Kapunan, nakakapagod ng marinig sa impeachment trial ang paulit-ulit na sinasabi ng depensa na respondent-accused si VP Sara para palabasin na ito ang biktima.
Giit ni Kapunan, ang mamamayan ang totoong biktima dahil pera ng bayan ang nalustay at ginamit na parang personal na ATM.
Diin pa ni Kapunan, wala ring batayan ang hirit ng depensa na fairness and justice dahil si VP Duterte naman ang patuloy na naninira sa buong proseso ng impeachment na sinasabi nyang moro-moro lang at sinisiraan din nito ang impeachment court pati ang buong administrasyon.
Punto ni Kapunan, hindi ito patas dahil bumabanat si VP Sara sa mga press conferences kung saan hindi sya pwedeng i-cross examine at pagpaliwanagin.










