Monday, November 2, 2026

Deployment ng mga personnel para sa undas 2026, nadagdagan pa ayon sa PNP

Nadagdagan pa ang bilang ng mga personnel na idineploy ngayong Undas, mula sa 141,172 na personnel ay naging 166,365 na ito ayon sa Philipppine National Police (PNP).

Binubuo ang nasabing bilang ng 78,952 na mga pulis kasama ang 20,837 personnel mula sa ibang units sa AFP, BFP, PCG at iba pa at 67,524 na force multipliers.

Ang mga personnel na ito ay nakatutok sa mga sementeryo , columbaria ,mga police assistance desk, sa mga bahay sambahan, pangunahing daanan, transportation hubs, tourist destinations at mga checkpoints .

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagtaas ng deployment ay nagpapakita ng patuloy na assessment ng PNP sa galaw ng publiko at sa pangagailangan ng mga nakaposisyong personnel para sa kanilang presensya, magbigay seguridad at tulong sa mga nangangailangan.

Nananatili naman nasa Full Alert Status ang buong hanay ng Pambansang Pulisya hanggang November 3 ng alas-12:01 ng umaga.

Facebook Comments