Economic growth ng bansa para sa unang quarter ng taon, bumaba sa 8.2%

69

Bumaba ang economic growth ng bansa sa unang quarter ng taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 8.2% ang economic growth, mula sa naunang naitala na 8.3% noong Mayo.

Ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit bumaba ang bagong datos ay ang pagbaba ng real estate at ownership sa 5.9%, mula sa 7.9%; gayundin ang pagbaba ng manufacturing sa 9.8%, mula sa 10.1%; at wholesale at retail trade sa 7.0%, mula sa 7.3%.


Kaugnay rin nito, itinaas ng PSA ang net primary income (NPI) nito sa 105.4%, mula sa 103.2%, habang ibinaba naman ang gross national income sa 10.6%, mula 10.6%.

Nakatakda namang ilabas ng PSA ang datos para sa ikalawang quarter ng taon, bukas, Agosto 9.

Facebook Comments