PRC MOBILE SERVICES SA LUNGSOD NG ILAGAN, AARANGKADA NA

23
Kaugnay ng 10th Cityhood Anniversary ng lungsod ng Ilagan, isasagawa ng Professional Regulation Commission – Regional Office 2 ang Mobile Services sa Agosto 11, 2022 sa Multi-Purpose Hall, Ilagan City Hall.

Kabilang sa mga serbisyo at transaksyon na isasagawa ay ang Renewal ng Professional ID Card, Initial Registration, Application ng Licensure Examination, at Certification and Authentication.

Ipinababatid sa lahat ng mga pupunta para sa kani-kanilang transaksyon na kailangan ng appointment slots mula sa opisyal na website ng ahensya na online.prc.gov.ph at magbayad online sa pamamagitan ng mga payment channels na naroon.

Patuloy din na ipinapaalala ng LGU Ilagan ang pagsunod sa minimum health protocols sa buong panahon ng isasagawang aktibidad.

Facebook Comments